Thursday, November 24, 2011

NURSING SURVIVAL GUIDE

NSG: NURSING SURVIVAL GUIDE (MUST READ)

1. Pwede ka na maging Nurse kapag kaya mong gumising ng 2 oras bago ang shift mo sa hospital o sa duty para hindi mapikon ang mga naka-shift na naghihintay na makita kahit hibla lang ng buhok mo para makauwi na sila, kung hindi naman, bakit di ka mag Criminology

2. Welcome to the Nursing World kung hindi ka takot sa dugo! kung hihimatayin ka lang din pag may bumulwak na na dugo, try mo mag HRM.

3. Magiging Nurse ka kung kaya mong tumayo ng 8 oras sa tabi ng pasyente sa ward at sumunod sa mga gusto nyang ipagawa sa iyo! Kung wala kang pasenya mag Tourism ka nalang

4. Kung gusto mo maging nurse, kelangan hindi ka takot sa matutulis na bagay tulad ng karayom, scalpel, Knife, at kung ano anong mga kagamitan na hindi ginagamit sa kusina, kasi taga abot ka nito, kung ayaw mo sa mga matatalim, mag Mass Comm. ka nalang

5. Ang Nurse ay MATIBAY ang sikmura, makakakita ka ng mga nagbubulwakang dugo, mga puso, atay, balunbalunan, baga, na dati ay sa libro mo lang makikita, ngayon ay LIVE na! if not, try mo kayang mag Accountancy

6. Kung magiging Nurse ka ay kailangan mahilig ka sa mga bata, mapa maingay, tahimik, malikot, maharot, madungis, mabaho, at kung ano ano pang klase ng bata, kasi kailangan ka sa Pedia teh! Kung isa kang Child Bully, hay nako, dun ka sa College of Engineering

7. Dapat ang Nurse ay Matibay ang utak, functional at hindi inaamag, ginagamit lagi, hindi di-uleng, dahil marami kang sauluhin at intindihin, kailangan mo rin yan pag punta mo sa Mental Hospital, siguraduhin mong hindi ka iiwan ng mga kaklase mo sa pag duduty-han nyong Mental, dahil malaki ang tyansa na mahawa ka kung utak-lamok ka, emosonal at madaling mapaniwala, uto uto, at napapaikot ng baliw! mag I.T. ka nalang no!

8. Nurse na nurse ka kung mahilig ka sa mga salitang hindi makikita sa kung saan saan kung hindi sa loob lamang ng mga medical books tulad ng Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis, na inflammation of lungs lamang naman pala! mga kakaibang bacteria na hindi naman nakikita ng mata, mga sakit na ngayon mo lang maririnig sa tanang buhay mo! Try mo maging Advertising student baka pwede pa

9.Well pwede na talaga ang Nursing kung malupit kang magsalita, mag health teaching kahit minsan inaccurate ang datas na sinasabi mo, at least may nasasabi ka dibuh! Dapat marunong ka ring lumebel sa kausap mo! Kung mahirap ang kausap, talk like you're mahirap, use layman's terms, pag mayaman, use you're english powers, bongga mo teh diba? Kung hindi ka madaldal, mag Education ka muna at mag major ng Filipino o English bago mag Nursing

10. Last but not the least, yet the most important thing sa buhay nursing ay........................ MATUTO KANG MAG ASSESS NG VITAL SIGNS ... nakakaloka! nakakapasa ng board exam hindi marunong mag BP, nanlalambang parin ng Pulse rate at Respiratory rate, mercurial parin ang gamit! Hoy! RN ka na hindi ka marunong mag BP, my GOOOOHHHD! Mag aral ka na lang muli ng Computer Programing

No comments:

Post a Comment